Monday, October 18, 2010

sembreak ..

sembreak !!!

Dear kim kamustang bakasyon mo
Ako heto pa rin nababato
Bad trip talagan t'tong Meralco
Bakit brownout pa rin dito

Walang silbi sa bahay
Kundi bumabad sa telepono
O kaya'y kasama ang buong barkada
Nakatambay sa may kanto

Naalala kita pag umuulan SEMBREAK
Naalala kita pag giniginaw SEMBREAK
Naalala kita pagkakain na SEMBREAK
Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-ha-hah

Sira pa rin ang bisikleta
May gas wala namang kotse
Naghihintay ng ulan
Basketball sa banyo
Sana ay may pasok na para at least
Meron akong baon
Cutting classes dating raket
Rock and roll buong taon

Naalala kita pag umuulan SEMBREAK
Naalala kita pag giniginaw SEMBREAK
Naalala kita pagkakain na SEMBREAK
Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-ha-hah

Walang kayakap kundi gitara
Nangangati sa kaiisip sa'yo
Hanggang sa mabutas 'tong maong ko
Tsaka bibili uli ng bago
Hanggang dito na lang ang liham ko
Salamat sa atensyon mo
Tsaka na lang pala yung utang ko
Pag nagkita na lang uli tayo oh wohh

Naalala kita pag umuulan SEMBREAK
Naalala kita pag giniginaw SEMBREAK
Naalala kita pagkakain na SEMBREAK
Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-ha-hah

Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK
Naalala kita SEMBREAK

More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/e/eraserheads/#share

Sunday, October 10, 2010

happy 10.10.10 ..

it takes another 1000 years to 10.10.10 ..

live life to the fullest !!!

kahulugan nang "RUSTY" sa web ..

Mga kahulugan ng rusty na nasa Web sa wikang Ingles:

Maghanap ng kahulugan ng rusty sa wikang: Dutch Ingles Italyano Portuges Ruso Slovak lahat ng wika

Tuesday, October 5, 2010

isn't it amazing how a person who was just a stranger,
suddenly meant the world to you ?



- somewhere in the net ..

life before the computer

kape .

at ngayon nalulunod na ko sa isang basong kape .
wala kong alam sa mga nanyayare .
basta seryoso ako sa paghigop .
sabay nan paglunok sa usok ..

migthy black na pala ang brand ku pare .
pekeng version nan black bath .
gayang gaya .
pero wala akong masabi .

kaya eto .
dirediresto sa lalamunan ang bawat paghagod .
ramdam lahat nang init , panis lahat nang pagod.

ang sarap , sarap .
ganito lang ang buhay .
napaka.simple .

kainis bitin , isang round pa ulet ako nang kape ..

Sunday, October 3, 2010

si ate leah ..





wala kong gaanong makwento tungkol sa kanya .
tinatamad akong mag.isip o wala akong masabi .

nxt tym nlang wala kong makukwento naun

Top Ten Rejection Lines by Women (and what they actually mean)


(i find somewhere in the net)

10. I think of you as a brother. (You remind me of that inbred banjo-playing geek in "Deliverance.")

9. There's a slight difference in our ages. (You are one jurassic geezer.)

8. I'm not attracted to you in 'that' way. (You are the ugliest dork I've ever laid eyes upon.)

7. My life is too complicated right now. (I don't want you spending the whole night or else you may hear phone calls from all the other guys I'm seeing.)

6. I've got a boyfriend (who's really my male cat and a half gallon of Ben and Jerry's).

5. I don't date men where I work. (Hey, bud, I wouldn't even date you if you were in the same 'solar system', much less the same building.)

4. It's not you, it's me. (It's not me, it's you.)

3. I'm concentrating on my career. (Even something as boring and unfulfilling as my job is better than dating you.)

2. I'm celibate. (I've sworn off only men like you.)

..and the number 1 rejection line given by women (and what it actually means)

1. Let's be friends. (I want you to stay around so I can tell you in excruciating detail about all the other men I meet and have sex with. It's that male perspective thing)


i been always a victim of no.1 lines !
and it always sucks!!

twitter

me twitter accnt. ako ,
kaso hindi ku masyado nabubuksan .
hindi nman ako regular na nglolod (kasi prepaid lan ung net ku)
at hindi ku na kailangan mgTweet para sabihin maliligo nko,
san ako pupunta cnong kasama ku .at lalong hindi nman ako artista para
sundan nan kung sino sinong tagahanga .

masaya nako dito sa blogspot ..

ang Twitter ay para sa artista lang talaga para sa akin

cguro kung bakit nagkaroon ako nang ganitong accnt'
dahil sa 'nakikiuso' lang ako , me sabi lang na meron ..

!@#$!^&%$^&&

hindi ako makontento sa ayos ng site ku
kya maya't maya ku din tong inaayos at ginugulo
inaayus uli , guguluhin ulit . papalit palit ng skin ,
wallpaper , dagdag na pics at kung anu ano pa ..

ineexplor ung mga site nan kaibigan ku , kinukumpara .
at pag me nagustuhan , at wala ako nilalagay , taz mya mya
aalisin .. anggulo ! magulo ..

kaya yung nakita mong ayos nito , hintay ka lang at
makipagpustahan at mababago nanaman ..

para sigurong ako ' nakikita yung ugali kong
ndi maayos , organize at kung ano ano pang pde mong punahin ..

pero gaya din nang napapansin mo o hindi , gusto ku lan
din nang maayos na site kya papalit.palit ako
kung anong wallpaper , ayus nang gadget atbp ..

Reproductive Health bill ..





i agree with sir lourd !

Sunday, September 19, 2010

tama n yan inuman na ..

mglabas kapa nang tuna ..
at kukulangin ang isa ..

a photo caught during pareng eroll's bday ..


The first time I tasted and drank beer was in high school, thanks to my older friends. I was in second year and had just turned 14. It was simply out of curiosity, only made bold by paternal pressure. I remember when I took my first gulp, my friends was giving me that cheering look. I guess he was being supportive. Cheers!

Unfortunately, that whole thing was just starting to be an intimate friendly drinking session when I untimely backed out. Too bad it merely took me one emptied bottle before I surrendered. It was kind of sissy of me to feel woozy too soon. But my older friends took that moment for me signifies "rite of passage from childhood to manhood". Huh? Me becoming a man by gulping one bottle of beer? Cheers!

haha but anyway that moment was so very unforgettable for that was also he time i puked while sleeping ' my mother gave me a scolded greeting of " hoy ung suka mo! sa kumot labhan mu yan mamaya ! " insted of good morning .


Saturday, September 18, 2010

manilas finest hostage SWAK team ..

SWAK Team



sila dapat ung pinaresponde nung august 23
manila hostage taking ..

sent items ..

solitary moments ..

walang magawa , walang kausap sa f'b ..
wala din gaanong update ..

nauwi sa sa pagkalikot nan mga dating mensahe ..
eto isa galing sa sent items ku ..

june 23 , 2010 12:46 am

"sori sa pangungulet .. hehe

i just cant give you up eh !
ur da best thing that happen to me !

because of you, i am struggLing to change and be better to be d man that u have aLways dreamed of..

i may not be perfect, but i know i would die happy, and tell God how grateful i am coz once in my life i met and had somebody like you ..

khit dumudugo nsa kaka-ingles ..


mghihintay padin ako .. !

mahal mahal kta !



tulog nko pasok pa tom ..

gue "

naalala mu pa a yan ?

100 things to do before i die

1. marry Marita Nobleza.
2. spend my whole life with her.
3. assure her happiness.
4. have a decent job.
5. have a house and lot.
6. have a happy family.
7. create my Family Tree.
8. look into my child's eyes, see yourself, and smile.
9. own a tourist house somewhere in Baguio.
10. Tagaytay
11. Boracay
12. travel the world
13. visit France
14. U.S.A
15. Canada
16. Rome
17. Japan
18. Venezuela
19. see the Eiffel Tower
20. sight an Aurora Borealis
21. sunset in Manila Bay
22. Angel Falls
23. climb Mt. Everest
24. Mt. Fuji
25. dive in the deep of El Nido
26. Boracay
27. surf in Siargao
28. Scuba dive off Australia's Great Barrier Reef.
29. own a Ferrari sports car
30. Ducati big bike
31. build a dream house for my mother
32. write a book
33. a chat with Robert Fulghum
34. Lourd de Veyra
35. Ely Buendia
36. Bob Ong
37. Joey de Leon
38. jam with the members of Eraserheads
39. have a band
40. perform in the front of million peoples
41. watch a reunion concert of Eraserheads one more time.
42. learn how to drums better
43. dance
44. paint
45. act
46. draw better
47. drive
48. magic
49. to cook
50. to play violin
51. piano
52. experience diving
53. wall climbing
54. flying
55. paragliding
56. go bungee jumping
57. teaching
58. join a reality show
59. Survivor Philippines
60. Pinoy Big Brother
61. Amazing Race
62. stop drinking at the age of 30
63. avoid smoking
64. have a healthy life style
65. plant a tree
66. build a foundation that help the poor
67. do charitable goods
68. be a responsible Filipino
69. inspired others
70. have a reunion class with high school classmates
71. see again my teachers
72. thank them again
73. see my first crush
74. eat all the luscious food the world has
75. taste a fried frog
76. a snake
77. all exotic food
78. watch a NBA game live
79. meet a president
80. learn to bake cake
81. live more than the life expectancy had
.
.
.
.
.

i'm still saving other slots , and for me i required a lot of thinking

tama ka nga ..

Kay sarap sariwain
ang malayang kahapon
ang hirap isipin kaylayo ng noon
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung itutuloy pa
hayaan na natin ang bukas
ngunit sa gabing ito
hawakan ang aking kamay
muling sundan ang mga unang yapak
ng ating pagmamahalan
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung ibabalik pa
hayaan na natin ang bukas
minsan nagtatanong kung saan
kailan, paano nasimulan
ang katapusang mahirap takasan
pero huwag na, ibato mo na lang sa ulan
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung itutuloy pa
hayaan na natin
hayaan na natin
hayaan na natin ang bukas
Kay sarap sariwain
ang malayang kahapon
ang hirap isipin kaylayo ng noon

Sunday, September 12, 2010

nostalgic september ..

september 13 ..

magiisang taon na yung lumipas ..
pero sariwa padin sa mga alala ku ung mga panyayari sa atin nung naraang taon ..

naging tayo nang hindi inaasahan , natapos na ding nang hindi namamalayan ..

naalala ku , nasa "chinese garden" tayo at saksi si "Confucius" nung una kong pinaliwanag ung nararamdaman ku sa iyo . halos maluha-luha pa ako nang mga oras na iyon . ikaw nakikinig ka lang at naiintindihan ako .

kasagsagan din nang " typhoon Ondoy " , baha at brownout ..

nang pmnta ako sa bahay ninyo nang hindi mu alam (kaw kase hindi ka nagtetext sa kin nun mga panahon na yon , mas badtrip kasi isang linggo nan mahigit na walang pasok nun) hindi ku mapigil na hind ka makita at makausap khit sandali . nagkita naman tyo at siyempre . nagulat ka

naaalala mu pa ba ???

ung madalas na magkasama tayo sa library ?
ung pagupo natin sa bench nang O.Z building ?aminin ku madalas pa din ako dun .
pero hindi tulad dati , magisa ako binabalikan lahat nang masasayang araw na kasama kita .
yung paghatid ku sa iyo sa sa bahay ninyo ? yung panunuod natin nang pelikula ? yung pagtetext nating hanggang madaling araw ?

naalala mu pa kya kung panu nating pagdebatehan ang buhay ?
haha nakakatawa tayo nun halos lage na lang nting usapan un ..
eh yung pakwento mu nan prob. nio sa erpat mu ? at siyempre mga simpleng pangarap mu sa buhay.


haizt !!

pero isang araw , nagbago ka !
gusto mu na tapusin ang lahat , hindi ku alam ..
may boyfren ka , mali ..

pero ..
masaya ka na nman diba ? masaya nman tyo, kelan ba nagiging mali at tama ang isang bagay? (eto ung parte na hirap akong ikwento ung nanyare kasi parang sobrang bigat prin sa dibdib ku pagbinabalikan)

nauwi sa sisihan, sumbatan ..

na sana mas una kitang nakilala kesa sa kanya . o sana hindi na , para hindi ku nan nramdaman ung sakit nung mga panahong iyon ..



pause.




alam mu "mamay" na mimiss kta sobra walang oras na hindi ka sumasagi sa isip ku at aminin kong mahal pdin kita hanggang naun .
walang nagbago sa akin . Uo , hindi kita masisisi kung siya ung napili mu kase siya talaga ung nauna at boyfren mu na sya bago tyo magkakilala ..

pero gusto kulang malaman mu na nandito lang ako , kaya kung maghintay para sayo ..

Friday, September 3, 2010

Agosto ay Buwan ng Wika. Now Na.

by: lourd de veyra

Tol, nakalimutan mo na siguro. Baka kasi sobrang busy ka sa kakalaro ng Plants Vs. Zombies o kung ano man ang uso ngayon sa Facebook, nalimutan mo na ata--ang Agosto ay Buwan ng Wika.

Siguro para sa marami sa 'tin, ang ibig sabihin ng Buwan ng Wika ay ang mga walang kamatayang pagsayaw ng tinikling at recitation ng Florante at Laura habang may dahon ng laurel ka sa tenga. Medyo matagal na akong nawala sa eskuwela kaya hindi ko alam ang mga gimik ngayon pag sine-celebrate ito (kung ipinagdiriwang pa rin nga). Pero ewan ko lang: parang wala pa rin atang pinagbago. Wala ring epekto. Lalo na sa panahon ng jejemon (Aware ako na may bagong na namang usong "bekimon" pero busy ako eh).

Buwan ng Wika ngayon kaya 'namputa, wala munang mga nakakairitang hirit diyan sa baba gaya ng "Oh Lourd, why is it in Tagalog?" Basta huling pagkakaalam ko, pag kinurot mo 'ko, "Aray ko, punyeta ka!" pa rin ang sasabihin ko at hindi "ouch." Sabi ni Rizal, ang hindi daw magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda (or something to that effect). Ah, okey. Kaya pala sinulat niya ang Noli at Fili sa Spanish. Hijo de, pare.

Teka lang ha: hindi ako eksperto sa Filipino. Sigurado akong marami rin akong sabit dito sa mga sasabihin ko pero… peace na lang tayo, 'tol. Para sa bayan na lang at ganap na demokrasya. Actually, conio talaga ako, tol. Jok lang (Kitang-kita namang kutis-bayag ako). Kumonsulta siyempre ako sa mga idol, lalong-lalo na kay Virgilio Almario, National Artist for Literature 2003, isang "aktibista para sa Wikang Pambansa" ayon sa blurb ng kanyang klasik na Filipino Para sa Mga Filipino (subtitled: "Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa"). Matinding makata at kritiko si Almario a.k.a Rio Alma, at nung minsang naging fellow ako sa UP Writers' Workshop sa Baguio, ang komento niya lang sa mga tula ko sa Ingles ay: "Magsulat ka na lang kasi sa Filipino."

Kaya--gamit bilang anting-anting ang aklat ni Almario--eto ang ilan sa mga isyung bumabagabag sa mga dila at keyboard ng mga taga-media.


KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."

BUMULUSOK - Akala ng iba, kaparehas ng "kumakaripas" at "humaharurot." Siguro dahil sa tunog. Laging naririnig: "Lalong bumulusok ang career ni Kris Aquino" kung tinutukoy nila ay ang pag-usbong ng career ng bida ng Vizconde Massacre at Pido Dida 1 and 2. Pabagsak na aksyon ang ipinapahayag ng "bulusok" at kadalasang pinantutukoy sa bulalakaw. Eh hindi naman ganun ang kaso, di ba? Mula sa Carlo Caparas films hanggang sa pag-quote ng "It Must Have Been Love But It's Over Now" sa The Buzz, tuluyan pa ring namamayagpag ang career ng bunsong kapatid ni P-Noy (Haaay). Marami pang ganitong salita. Pero busy ako.

NG VS. NANG - Kala ko dati ang nalilito lang dito mga grade schoolers at lahat ng mga estudyante sa mga coniotic na eskwelahan, pero nagkamali ako: hanggang sa mga newsroom may sumasabit pa rin dito. Sa TV, walang pakialam ang mga tamad kung "ng" o "nang" dahil pareho lang naman ang tunog. Karamihan din sa kanila, wala ring pakialam kasi nga "Tagalog lang naman 'yan eh." Mas nahihiya pa sila kung pumapalya sila sa diction sa Ingles, sa short 'e' vs. long 'e,' pag ang pronounciation nila sa "bitter " ay "beee-ter" imbes na "bi-tur." Sila rin yung tipong kinokorek agad ang sarili pag ang "winner" ay nabanggit nilang "weee-ner" (parang sausage lang, no). Mga hayup kayo - galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo at nakakabili pa kayo ng iPad at mga libro ni Stephenie Meyer.

Mabalik tayo sa isyu. Mahirap ba? Hindi naman dapat eh. Pag may elemento ng pag-aari, ng dapat. Example: "Si Kris ang kahihiyan ng mga Aquino." "Ang kapal ng mukha ni Mikey Arroyong kumatawan sa mga sikyu at pedicab drivers." "Salot ng lipunan." "Mga anak kayo ng puta!" Sinusundan din nito ang mga salitang "tulad," "gaya," at "lahat."

Ang nang? Ilang bagay lang ang dapat tandaan:

Pag tinutukoy ay panahon o araw, kapalit ng salitang "noon." ("Tanghali nang manumpa si P-Noy sa Quirino Grandstand." "Gabi nang sumugod ang mga jologs sa The Establishment."). Pareho ng "upang" at "para." E.g. ("Kelangan kong magsikap sa trabaho nang yumaman ako tulad ni Willie Revillame." "Maligo at mag-diet ka araw-araw nang hindi ka tumandang malungkot, mataba, pangit, at amoy-pusa." "Kelangang mag-relax ni Noynoy nang hindi maubos ang buhok niya.") Kombinasyon ng "na" at "ang" ("Grabe nang katakawan ang ipinakita niya nung sinadya pa niya yung buffet sa Cagayan." "Sobra nang nakakatakot ang mga labi ni Gretchen Barretto."). Indikasyon ng paraan o sukat. ("Pag nakita ko yang bruhang 'yan, sasampalin ko siya nang bonggang bongga." "Tatadyakan ko siya nang patalikod.") O kaya'y pag may umuulit ("Paliguan mo man siya nang paliguan, hindi pa rin siya gaganda.")


KALALAKIHAN - Lalo na sa news, talamak to-its. "Limang kalalakihan." "Armadong kalalakihan." Bakit, anong problema sa "limang lalaki?" Basta 'wag lang "armadong pagkalalaki." Medyo bastos 'yun - at delikado.

ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista. Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa Español; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen.

Ang dami pa niyan - mga salitang banyagang pinilit Tagalugin o kaya'y pinilipit para mag-tunog Kastila. Sa TV Patrol at 24 Oras, suking-suki ang "kinundena" when referring to "condemn." "Kinundena ng mga militanteng grupo ang talumpati ni dating pangulong Arroyo sa kamara." Baka kasi masyadong hardkor yung "tinuligsa" o "batikusin." Lagi kong naririnig si Joaquin Henson na sumisigaw, "Dahil kay Jordan, kumolapso ang depensa ng Utah Jazz!" Ewan ko. Siguro, mas madramang pakinggan. Pero naintindihan ko naman, di ba?

Ang laki ng problema ko, no?


ref : http://www.spot.ph/blog/46366/agosto-ay-buwan-ng-wika-now-na

Sunday, August 8, 2010

ligthyears

Ligthyears ..


Big deeper north of nowhere
Outside the room
Inside my mind
I, look forward to tomorrow
But can I leave yesterday behind
How it feels so strange
To have grown and change
Now it's not the same

Cause time slips and slides
Into another place and try
As we might to understand each other
Doesn't really matter where you are
It always seems so very far
Coz you're lightyears away
You're lightyears away
From me

Little deeper south of somewhere
It looks much closer than it really is
I held it in my hands
But you're forever out of reach
Far as the eye can see
Nothing is meant to be
Doesn't mean much to me

But oh, if I only had a rocket ship to fly
I'd be right there in a minute
But it doesn't really matter where you are
However near is still so far
It's like you're light years away
You're light years away from me



Lyrics | Eraserheads lyrics - Lightyears lyrics


Saturday, August 7, 2010

.. ..

naun lan ako nka pag-update ..
prepaid lan kasi ung sun broadband ku na
soOoOorang bagal pa !
lahat nan poems ku at kung anu ano pa ay nasa papel
na hindi ku na makita ..
tsk. tsk ..

hindi ku tuloy napanuod nan buo ung ,
scandal ni angelika dela cruz na kahit hindi
nman tlga sya ( si maria ozawa click nyo )
puros buffering ..

haixt tinatamad tuloy ako mag.blog ..

happy b.day pala kay albert , joseph , jerum ..
lasingin nyo ko mya huh !

wala tlgang patutunguhan tong blog ku ngayon
basta kung anu nlang maicip ku ..

hahaha ..

ciao !

Friday, July 30, 2010

Hindi nakakaaliw ikuwento ang isang break-up. Hindi rin nakakatuwang maranasan ito

Hindi nakakaaliw ikuwento ang isang break-up. Hindi rin nakakatuwang maranasan ito.

Kinabukasan matapos nating mag-break up, tinext ako ng isang long lost high school friend ng isang makakamot-ulong message. Sabi niya,"Hey bro, congrats! nahanap mo na pala siya! 'yung kaisa-isang babae dito sa mundo na titingin sa'yo na may halong malisya. Akala ko totoy ka na forever."

Sana lang napaaga siya ng bati para may libreng P500 load siya sa 'kin. Kaso, wrong timing.

Dalawang bagay ang na-realize ko matapos mabasa 'yung text message nitong kaibigan ko. Una, "Long lost ka talaga pare! Ngayon ka na nga lang nagparamdam, sabit pa. Ikaw ay isang testimonya na kahit napaka-advanced na ng teknolohiya natin pagdating sa komunikasyon, posible pa ring sumablay ang proseso ng information dissemination. Siguro Globe ka? Lahat posible.

Pangalawang realisasyon: Tama ang kaibigan ko, ikaw ang kauna-unahan at marahil ay kaisa-isang babaeng nagkamalisya (o nagkamali?) ng tingin sa akin. Alam mo bang ginuho mo ang mga naunang persepsiyon ko tungkol sa aking sarili? Ang lahat ng mga negatibo ay pinalitan mo ng mga magagandang bagay. Akala ko mahina ako. Pero nang pinagkatiwalaan mo ako ng iyong damdamin kahit sa loob lamang ng limang buwan, nagka-muscle ako bigla. Hindi mo man 'yon napansin dahil maliit pa rin ang mga braso ko, lumakas naman at naging mas masigla ang aking puso. At siyempre, mas lalo akong naging-corny, katulad ngayon.

Alam mo bang marami akong naranasan na akala ko dati'y sa pelikula lamang mangyayari?

Nung binilhan kita ng isang dosenang red roses, nahiya pa ako nun sa tindera ng Holland Tulips dahil nakangiti siya. Lalo akong nahiya nang makita ko itsura ko sa salamin. Napaka-dugyot ko! At may apog pa talaga ako na magpaka-sweet. Lalo pa akong nagitla habang nilalakad ang kahabaan ng Robinson's Mall dala-dala ang mga bulaklak para sa'yo. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao. Diyahe man pero nagawa ko rin! 'Di mo alam kung gaano ako kasaya nang makita kitang nakangiti habang inaabot ko ang sorpresa ko sa'yo.

Nakita mo ba kung gaano ako napapatahimik sa kaba habang ipinakikilala mo ako sa mga magulang mo? Matangkad ang tatay mo at halatang kagalang-galang. Tanong nang tanong naman ang nanay mo, mukhang naniniguradong hindi nakabingwit ng masamang lalake ang anak niya. Pero sa kabila ng intimadasyon na naramdaman ko sa mga oras na 'yon, naisip kong mapalad pa rin ako dahil napakabuti nila. Hindi ko malilimutan nang kasama natin silang mag-dinner nung birthday ko. Mabagal talaga akong kumain. Pero hindi mo ba napansin kung paano ako nag-subo-lunok para makasabay sa inyo? Nakakatawa talaga ang itsura ko! Kapag marami pang ulam na natira, hinahati-hati 'yun sa lahat para hindi masayang. Pero pansin kong marami talaga ang inilalagay sa plato ko ng nanay mo. Sabi niya siguro, "Kailangan mong tumaba, iho."

Nakakatuwa din ang lola mo, na napakahaba magdasal in perfect English. Kapag bumibisita ako sa inyo at inaabot ako ng mga alas-onse ng gabi, tila ugali na 'niya na lumabas sa kanyang kwarto upang silipin tayo. Madalas sa hindi, aalukin niya tayo ng saging. Kwela di ba? Siguro it runs in the blood, kasi mga pinsan mo at iba pang kamag-anak ay napakabuti din sa pakikitungo sa akin. Napatunayan ko ito nang magbirthday ang lola mo at halos nandoon lahat ng angkan at kaibigan niyo. Hindi ko man natandaan lahat ng pangalan at itsura nila, hindi ko makakalimutan ang kanilang mainit na pagtanggap sa akin.

Nasabi ko ba sa'yo na masarap kasama mga kaibigan mo? Alam kong itinuring din nila akong kaibigan kahit papano. Napaka-supportive nila sa atin, lalo na ang bestfriend mong si Jake. Ipinagbibilin ka niya sa akin parati. Sana hindi ko sila nadisappoint.

Sa loob ng limang buwan na nakasama kita, walang isang pagkakataon na nahirapan ako. Dahil higit pa sa isang sugar-coated term na "girlfriend" ang ginampanan mo sa aking buhay. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako natulungan sa mga panahong wala akong masandalan. Simula ng maging tayo, lalo pang naging masaya ang gising ko sa umaga at paghimbing ko sa gabi. Walang katulad! Lalo akong naging mapagpasalamat sa Panginoon dahil ipinadama niya ang pag-ibig Niya sa akin sa pamamagitan mo.

Nakakatuwa lang talaga kung paano sinusulat ng Panginoon ang ating istorya. Kung kailan mas malapit na ako sa'yo... (1. ang trabaho ko ay nasa Vito Cruz, ikaw ay nasa PGH sa may Faura; 2. Lilipat na rin ako ng bahay within Manila area; 3. Mapapadalas na rin ako sa PAC kung saan ka rin nagsisimba)... saka naman wala na tayo. Kaya kung ako ay isang movie, sabi nga ng isang orgmate, ang pamagat nito ay So Close... so close na sana, sablay pa. Marahil ang theme song ay "Ironic" ni Alanis M.

Natatakot akong hindi na makahanap pa ng isang babaeng magkakamalisya sa akin. Kaya hindi ko ituturing na isang pagtatapos ang nangyari sa ating dalawa. Nagsisimula pa lang sukatin kung hanggang saan ang kaya kong itagal. Alam na natin simula pa lang kung gaano kahirap ang mga pagkakataon na dapat natin harapin, lalo na at may mga pangarap pa tayong kailangang abutin. Pero walang kaso dahil nakahanda akong umunawa. Mga bata pa tayo.

Gusto ko lang malaman mo na minsan lang dumaan ang isang babaeng tulad mo sa buhay ko. Sana maintindihan mo kung bakit mahirap ka talagang pakawalan. Baka hindi na maulit ang lahat ng ito.

Pansin mo bang ngayon lang ako nagkwento matapos halos ang isang linggong hindi na tayo? Dahil aaminin ko na hanggang ngayon, in denial pa rin ako. Hindi ko pa rin maiugnay sa aking sarili ang salitang "broken-hearted".

Hindi ba totoo? Kahit na sinong magaling na manunulat, idaan man sa biro, ay mahihirapan pa ring ikwento ang isang break-up? .. ..

wasak waltz ..

by: Ely buendia & Francis M.
Album: In Love And War


Heto naman panahon ng tag-ulan
di maiiwasan sa buhay ninu man
Tulad mo rin ako sampulo sa dagat na
walang hanggan
naghahanap ng masisilungan

sa dinadamidami ng lugar dito pa nagkita
gaano ng ba katagal dito matanda na

pagkataon tulad nito
di dapat pinapalampas
sabay natin harapin
ang pag-asa ng bukas

itaas ang kamay at iwagayway
masarap mabuhay itaob na ang tagay
kung san man pumunta
may pera may o wala
pera/dyan nagsisimula ang wasak na
pagsasamahan......

pagkakataon tulad nito
hindi dapat pinapalampas
ang sakit na dinadala
isa lang ang ating Lunas..

sleepless nigths ...

Its rainy outside ..
cant wait to have you by my side ..
again ..

I get nostalgic every now and then ..
each time our song plays ..
I still remember the days ..

How I wish , I could make it again ..
try to fix the things we used to claim ..

but its the irony of life ..
we had nothing to do ,
just to keep on to fight ..
even we know it's not the right ..

Sometimes , I need to write ,
some of my thoughts .. just to set through
my sleepless nights ..

not an ordinary song

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you"

hay ! baket ba naun ku lan naisipan kantahin at gitarahin sa harap mu yan ?? ..
kaw kasi ! ndi mu sinabi agad na paborito mu yan !
at ang sabi mu na kung sinong kakanta nian ay papakasalan mu na ? ..

haha ! may bahid ba nan pagsisisi ?

haha .. wala naun me isang taon na din ang lumipas .
matapos nun pagkakmali na un ..
sayang talaga hindi natapos nan maganda para sa atin ang lahat ..

kung para syo isang pagkakamali lan un ..
sa kin hindi , isa sigurong realisasyon. pagsubok sa kin kung hanggang saan ang
kaya kong hintayin at umunawa ..

madami akong naalal lalo na't kung minsan nadaan ako sa O.Z building
malapit sa bench na inuupuan natin .
uo , madalas akong napapadaan dun ..

"But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you through
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear
To this ordinary song"



hindi ba dun mu ndin tinapos nan lahat nang para sa atin ?
na sinabi mung mali talaga at dapat nang ihinto ang lahat ?!

uo hanggang naun , malinaw pa laat sa akin ang pangyayaring iyon ..
at hindi ku makakalimutan sa habang panahon ..








at ngayon ..
may edad ka na ..
at lulong ..
sa problema ..
nangangarap ..
na ibalik ang kahapon ..
hindi mu malaman ..
kung bakit kailangan ? ..
magbago ang lahat sa ..
sa buhay mo ..

-walang nagbago
eraserheads

Tuesday, July 27, 2010

untitled ..

haay! walang magawa exam ku p naman bukas kaso wala akong notes ..
kagigising ku lan din , kakatapos uminom nan tatlong basong kape ..
nag facebook at nanuod nan T.V ..
pagtapos nun ano na ?

aun dito ako bumagsak .. sinubukan mag blog ..
1st time ku ! haha .. habang nkikinig nan REM ..


"
When the day is long and the night, the night is yours alone,
When you're sure you've had enough of this life, well hang on
Don't let yourself go, 'cause everybody cries and everybody hurts sometimes "
- everybody hurts

nakikisimpatya si Mike Stipe ..

boring na gabi , alan inom , at kelangan magreview ..
wala din makausap sa f'b ..

wala sya hindi na ngpaparamdam ..

hoHoohOo ..

sige eto na muna sa naun !

hindi na siguro masama para sa 1st timer ..

haay ....