Sunday, September 19, 2010

tama n yan inuman na ..

mglabas kapa nang tuna ..
at kukulangin ang isa ..

a photo caught during pareng eroll's bday ..


The first time I tasted and drank beer was in high school, thanks to my older friends. I was in second year and had just turned 14. It was simply out of curiosity, only made bold by paternal pressure. I remember when I took my first gulp, my friends was giving me that cheering look. I guess he was being supportive. Cheers!

Unfortunately, that whole thing was just starting to be an intimate friendly drinking session when I untimely backed out. Too bad it merely took me one emptied bottle before I surrendered. It was kind of sissy of me to feel woozy too soon. But my older friends took that moment for me signifies "rite of passage from childhood to manhood". Huh? Me becoming a man by gulping one bottle of beer? Cheers!

haha but anyway that moment was so very unforgettable for that was also he time i puked while sleeping ' my mother gave me a scolded greeting of " hoy ung suka mo! sa kumot labhan mu yan mamaya ! " insted of good morning .


Saturday, September 18, 2010

manilas finest hostage SWAK team ..

SWAK Team



sila dapat ung pinaresponde nung august 23
manila hostage taking ..

sent items ..

solitary moments ..

walang magawa , walang kausap sa f'b ..
wala din gaanong update ..

nauwi sa sa pagkalikot nan mga dating mensahe ..
eto isa galing sa sent items ku ..

june 23 , 2010 12:46 am

"sori sa pangungulet .. hehe

i just cant give you up eh !
ur da best thing that happen to me !

because of you, i am struggLing to change and be better to be d man that u have aLways dreamed of..

i may not be perfect, but i know i would die happy, and tell God how grateful i am coz once in my life i met and had somebody like you ..

khit dumudugo nsa kaka-ingles ..


mghihintay padin ako .. !

mahal mahal kta !



tulog nko pasok pa tom ..

gue "

naalala mu pa a yan ?

100 things to do before i die

1. marry Marita Nobleza.
2. spend my whole life with her.
3. assure her happiness.
4. have a decent job.
5. have a house and lot.
6. have a happy family.
7. create my Family Tree.
8. look into my child's eyes, see yourself, and smile.
9. own a tourist house somewhere in Baguio.
10. Tagaytay
11. Boracay
12. travel the world
13. visit France
14. U.S.A
15. Canada
16. Rome
17. Japan
18. Venezuela
19. see the Eiffel Tower
20. sight an Aurora Borealis
21. sunset in Manila Bay
22. Angel Falls
23. climb Mt. Everest
24. Mt. Fuji
25. dive in the deep of El Nido
26. Boracay
27. surf in Siargao
28. Scuba dive off Australia's Great Barrier Reef.
29. own a Ferrari sports car
30. Ducati big bike
31. build a dream house for my mother
32. write a book
33. a chat with Robert Fulghum
34. Lourd de Veyra
35. Ely Buendia
36. Bob Ong
37. Joey de Leon
38. jam with the members of Eraserheads
39. have a band
40. perform in the front of million peoples
41. watch a reunion concert of Eraserheads one more time.
42. learn how to drums better
43. dance
44. paint
45. act
46. draw better
47. drive
48. magic
49. to cook
50. to play violin
51. piano
52. experience diving
53. wall climbing
54. flying
55. paragliding
56. go bungee jumping
57. teaching
58. join a reality show
59. Survivor Philippines
60. Pinoy Big Brother
61. Amazing Race
62. stop drinking at the age of 30
63. avoid smoking
64. have a healthy life style
65. plant a tree
66. build a foundation that help the poor
67. do charitable goods
68. be a responsible Filipino
69. inspired others
70. have a reunion class with high school classmates
71. see again my teachers
72. thank them again
73. see my first crush
74. eat all the luscious food the world has
75. taste a fried frog
76. a snake
77. all exotic food
78. watch a NBA game live
79. meet a president
80. learn to bake cake
81. live more than the life expectancy had
.
.
.
.
.

i'm still saving other slots , and for me i required a lot of thinking

tama ka nga ..

Kay sarap sariwain
ang malayang kahapon
ang hirap isipin kaylayo ng noon
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung itutuloy pa
hayaan na natin ang bukas
ngunit sa gabing ito
hawakan ang aking kamay
muling sundan ang mga unang yapak
ng ating pagmamahalan
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung ibabalik pa
hayaan na natin ang bukas
minsan nagtatanong kung saan
kailan, paano nasimulan
ang katapusang mahirap takasan
pero huwag na, ibato mo na lang sa ulan
(tsoodoodoodoodoodooo)
Tama ka nga
walang saysay kung itutuloy pa
hayaan na natin
hayaan na natin
hayaan na natin ang bukas
Kay sarap sariwain
ang malayang kahapon
ang hirap isipin kaylayo ng noon

Sunday, September 12, 2010

nostalgic september ..

september 13 ..

magiisang taon na yung lumipas ..
pero sariwa padin sa mga alala ku ung mga panyayari sa atin nung naraang taon ..

naging tayo nang hindi inaasahan , natapos na ding nang hindi namamalayan ..

naalala ku , nasa "chinese garden" tayo at saksi si "Confucius" nung una kong pinaliwanag ung nararamdaman ku sa iyo . halos maluha-luha pa ako nang mga oras na iyon . ikaw nakikinig ka lang at naiintindihan ako .

kasagsagan din nang " typhoon Ondoy " , baha at brownout ..

nang pmnta ako sa bahay ninyo nang hindi mu alam (kaw kase hindi ka nagtetext sa kin nun mga panahon na yon , mas badtrip kasi isang linggo nan mahigit na walang pasok nun) hindi ku mapigil na hind ka makita at makausap khit sandali . nagkita naman tyo at siyempre . nagulat ka

naaalala mu pa ba ???

ung madalas na magkasama tayo sa library ?
ung pagupo natin sa bench nang O.Z building ?aminin ku madalas pa din ako dun .
pero hindi tulad dati , magisa ako binabalikan lahat nang masasayang araw na kasama kita .
yung paghatid ku sa iyo sa sa bahay ninyo ? yung panunuod natin nang pelikula ? yung pagtetext nating hanggang madaling araw ?

naalala mu pa kya kung panu nating pagdebatehan ang buhay ?
haha nakakatawa tayo nun halos lage na lang nting usapan un ..
eh yung pakwento mu nan prob. nio sa erpat mu ? at siyempre mga simpleng pangarap mu sa buhay.


haizt !!

pero isang araw , nagbago ka !
gusto mu na tapusin ang lahat , hindi ku alam ..
may boyfren ka , mali ..

pero ..
masaya ka na nman diba ? masaya nman tyo, kelan ba nagiging mali at tama ang isang bagay? (eto ung parte na hirap akong ikwento ung nanyare kasi parang sobrang bigat prin sa dibdib ku pagbinabalikan)

nauwi sa sisihan, sumbatan ..

na sana mas una kitang nakilala kesa sa kanya . o sana hindi na , para hindi ku nan nramdaman ung sakit nung mga panahong iyon ..



pause.




alam mu "mamay" na mimiss kta sobra walang oras na hindi ka sumasagi sa isip ku at aminin kong mahal pdin kita hanggang naun .
walang nagbago sa akin . Uo , hindi kita masisisi kung siya ung napili mu kase siya talaga ung nauna at boyfren mu na sya bago tyo magkakilala ..

pero gusto kulang malaman mu na nandito lang ako , kaya kung maghintay para sayo ..

Friday, September 3, 2010

Agosto ay Buwan ng Wika. Now Na.

by: lourd de veyra

Tol, nakalimutan mo na siguro. Baka kasi sobrang busy ka sa kakalaro ng Plants Vs. Zombies o kung ano man ang uso ngayon sa Facebook, nalimutan mo na ata--ang Agosto ay Buwan ng Wika.

Siguro para sa marami sa 'tin, ang ibig sabihin ng Buwan ng Wika ay ang mga walang kamatayang pagsayaw ng tinikling at recitation ng Florante at Laura habang may dahon ng laurel ka sa tenga. Medyo matagal na akong nawala sa eskuwela kaya hindi ko alam ang mga gimik ngayon pag sine-celebrate ito (kung ipinagdiriwang pa rin nga). Pero ewan ko lang: parang wala pa rin atang pinagbago. Wala ring epekto. Lalo na sa panahon ng jejemon (Aware ako na may bagong na namang usong "bekimon" pero busy ako eh).

Buwan ng Wika ngayon kaya 'namputa, wala munang mga nakakairitang hirit diyan sa baba gaya ng "Oh Lourd, why is it in Tagalog?" Basta huling pagkakaalam ko, pag kinurot mo 'ko, "Aray ko, punyeta ka!" pa rin ang sasabihin ko at hindi "ouch." Sabi ni Rizal, ang hindi daw magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda (or something to that effect). Ah, okey. Kaya pala sinulat niya ang Noli at Fili sa Spanish. Hijo de, pare.

Teka lang ha: hindi ako eksperto sa Filipino. Sigurado akong marami rin akong sabit dito sa mga sasabihin ko pero… peace na lang tayo, 'tol. Para sa bayan na lang at ganap na demokrasya. Actually, conio talaga ako, tol. Jok lang (Kitang-kita namang kutis-bayag ako). Kumonsulta siyempre ako sa mga idol, lalong-lalo na kay Virgilio Almario, National Artist for Literature 2003, isang "aktibista para sa Wikang Pambansa" ayon sa blurb ng kanyang klasik na Filipino Para sa Mga Filipino (subtitled: "Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa"). Matinding makata at kritiko si Almario a.k.a Rio Alma, at nung minsang naging fellow ako sa UP Writers' Workshop sa Baguio, ang komento niya lang sa mga tula ko sa Ingles ay: "Magsulat ka na lang kasi sa Filipino."

Kaya--gamit bilang anting-anting ang aklat ni Almario--eto ang ilan sa mga isyung bumabagabag sa mga dila at keyboard ng mga taga-media.


KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."

BUMULUSOK - Akala ng iba, kaparehas ng "kumakaripas" at "humaharurot." Siguro dahil sa tunog. Laging naririnig: "Lalong bumulusok ang career ni Kris Aquino" kung tinutukoy nila ay ang pag-usbong ng career ng bida ng Vizconde Massacre at Pido Dida 1 and 2. Pabagsak na aksyon ang ipinapahayag ng "bulusok" at kadalasang pinantutukoy sa bulalakaw. Eh hindi naman ganun ang kaso, di ba? Mula sa Carlo Caparas films hanggang sa pag-quote ng "It Must Have Been Love But It's Over Now" sa The Buzz, tuluyan pa ring namamayagpag ang career ng bunsong kapatid ni P-Noy (Haaay). Marami pang ganitong salita. Pero busy ako.

NG VS. NANG - Kala ko dati ang nalilito lang dito mga grade schoolers at lahat ng mga estudyante sa mga coniotic na eskwelahan, pero nagkamali ako: hanggang sa mga newsroom may sumasabit pa rin dito. Sa TV, walang pakialam ang mga tamad kung "ng" o "nang" dahil pareho lang naman ang tunog. Karamihan din sa kanila, wala ring pakialam kasi nga "Tagalog lang naman 'yan eh." Mas nahihiya pa sila kung pumapalya sila sa diction sa Ingles, sa short 'e' vs. long 'e,' pag ang pronounciation nila sa "bitter " ay "beee-ter" imbes na "bi-tur." Sila rin yung tipong kinokorek agad ang sarili pag ang "winner" ay nabanggit nilang "weee-ner" (parang sausage lang, no). Mga hayup kayo - galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo at nakakabili pa kayo ng iPad at mga libro ni Stephenie Meyer.

Mabalik tayo sa isyu. Mahirap ba? Hindi naman dapat eh. Pag may elemento ng pag-aari, ng dapat. Example: "Si Kris ang kahihiyan ng mga Aquino." "Ang kapal ng mukha ni Mikey Arroyong kumatawan sa mga sikyu at pedicab drivers." "Salot ng lipunan." "Mga anak kayo ng puta!" Sinusundan din nito ang mga salitang "tulad," "gaya," at "lahat."

Ang nang? Ilang bagay lang ang dapat tandaan:

Pag tinutukoy ay panahon o araw, kapalit ng salitang "noon." ("Tanghali nang manumpa si P-Noy sa Quirino Grandstand." "Gabi nang sumugod ang mga jologs sa The Establishment."). Pareho ng "upang" at "para." E.g. ("Kelangan kong magsikap sa trabaho nang yumaman ako tulad ni Willie Revillame." "Maligo at mag-diet ka araw-araw nang hindi ka tumandang malungkot, mataba, pangit, at amoy-pusa." "Kelangang mag-relax ni Noynoy nang hindi maubos ang buhok niya.") Kombinasyon ng "na" at "ang" ("Grabe nang katakawan ang ipinakita niya nung sinadya pa niya yung buffet sa Cagayan." "Sobra nang nakakatakot ang mga labi ni Gretchen Barretto."). Indikasyon ng paraan o sukat. ("Pag nakita ko yang bruhang 'yan, sasampalin ko siya nang bonggang bongga." "Tatadyakan ko siya nang patalikod.") O kaya'y pag may umuulit ("Paliguan mo man siya nang paliguan, hindi pa rin siya gaganda.")


KALALAKIHAN - Lalo na sa news, talamak to-its. "Limang kalalakihan." "Armadong kalalakihan." Bakit, anong problema sa "limang lalaki?" Basta 'wag lang "armadong pagkalalaki." Medyo bastos 'yun - at delikado.

ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista. Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa Español; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen.

Ang dami pa niyan - mga salitang banyagang pinilit Tagalugin o kaya'y pinilipit para mag-tunog Kastila. Sa TV Patrol at 24 Oras, suking-suki ang "kinundena" when referring to "condemn." "Kinundena ng mga militanteng grupo ang talumpati ni dating pangulong Arroyo sa kamara." Baka kasi masyadong hardkor yung "tinuligsa" o "batikusin." Lagi kong naririnig si Joaquin Henson na sumisigaw, "Dahil kay Jordan, kumolapso ang depensa ng Utah Jazz!" Ewan ko. Siguro, mas madramang pakinggan. Pero naintindihan ko naman, di ba?

Ang laki ng problema ko, no?


ref : http://www.spot.ph/blog/46366/agosto-ay-buwan-ng-wika-now-na